Sundalong Nasabugan sa Gitna ng Gyera sa Marawi, May Munting Kahilingan - The Daily Sentry


Sundalong Nasabugan sa Gitna ng Gyera sa Marawi, May Munting Kahilingan



Staff Sergeant Sammy Galapon, photo from news.abs-cbn.com

Ang “Battle of Marawi” na umabot ng limang buwan ang tinatayang pinakamahabang “urban battle” sa kasaysayan. Ang Marawi siege ay laban sa gitna ng gobyerno at ng mga militanteng grupo na naghasik sa Lanao Del Sur noong May 23, 2017.


Marami ang nagbuwis ng buhay at maraming sundalo ang nagpapagaling pa sa mga ospital hanggang sa mga araw na ito. Ang unti-unting pagbangon ng Marawi ay sya ring unti-unting pagbangon ng mga sundalong higit na naapektuhan ng gyera. Isa sa mga ito ay si Staff Sergeant Sammy Galapon ng Barangay 18.

Bakas ng gyera 

Sa isang panayam, lubos ang pasasalamat ni Galapon dahil sa kabila ng kinasadlakang laban noon sa Marawi ay nananatili itong buhay. Gayunman, hindi lamang sa memorya at puso nito nag-iwan ng tatak ang gyera bagkus ang sugat nito sa mukha na syang nakapagpabago sa buhay ng sundalo.

Munting Kahilingan 

Si Sgt. Galapon ay nasabugan ng IED o improvised explosive device habang nakikipaglaban sa mga Maute. Dahil dito ay nabulag ang kanyang kanang mata at nadurog ang panga. Ngayon ay hindi ito makakain ng maayos dahil sa natamo. Hiling niya,

“Sana maayos na itong panga ko para makakain nang maayos.”


Bagaman nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno, hindi ito naging sapat para matugunan ang mga pangangailangan. Ngayon ay tumigil muna si Galapon sa serbisyo at nabubuhay sa paggawa ng duyan. Sa oras na gumaling sya, nagpahayag ang sundalo ng kagustuhan na muling magserbisyo para sa bayan.

Mensahe sa pangulo 

Nagpaabot ito ng kahilingan na madalaw ito ng Pangulong Duterte pati ang kanyang mga kasamahang sundalo na hanggang ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Modernong bayani 

Ang mga sundalo ang ating mga modernong bayani. Sila ang nagbubuwis ng buhay at humaharap sa mga rebelde upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Inuuna nila ang ating kaligtasan bago ang kanilang pansariling hangarin.

Source: news.abs-cbn.com