Only in the Philippines! Hearing, sa bangketa idinaos ng isang hukuman dahil sa kawalan ng courtroom - The Daily Sentry


Only in the Philippines! Hearing, sa bangketa idinaos ng isang hukuman dahil sa kawalan ng courtroom



Photo from GMA News
Sa isang pambihirang pagkakataon, isang hukuman ang nagpasyang idaos ang pagdinig ng kaso sa bangketa. Ito ay sa kadahilanan na walang magagamit na bakanteng kwarto ang naturang hukom.

Naganap ang kakaibang pagdaraos ng pagdinig sa Sta.Cruz, Laguna, Martes, November 20. Isa sa mga dininig na kaso ay rape kung saan ang akusado ay hinatulang guilty.


Ayon sa isang report, tanghaling-tapat di umano nang maganap ang nasabing hearing.

Hukom sa labas ng hukuman?

Ang pagdinig sa mga hawak niyang kaso ay isinagawa ni Regional Trial Court (RTC) presiding judge Suwerte Ofrecio sa bangketa kung saan ito ay nasa ilalim ng puno, at sya ring katapat umano ng Bulwagan ng Katarungan.

Photo from Rappler
Ang dinalang mikropono at speaker ni Judge Ofrecio ang ginamit ng mga abogado sa magkabilang panig ng mga akusado at depensa para sila ay magkarinigan.

Base pa sa isang report, nagtyagang mag-antay na matawang ang mga taong didinggin na noong panahong iyon ang kanilang kaso.

Kabilang sa dininig na 20 kaso umano ni Ofrecio ay ang rape case kung saan hinatulan nyang guilty ang akusado.

Plano ng gobyerno

Sa kabila ng hindi pagpapaunlak ng naturang judge na magpa-interview sa GMA News, ibinahagi naman ng court legal researcher ni Ofrecio ang plano ng lokal na pamahalaan kasabay ng pangyayaring ito.

Paliwanag ng nabanggit na staff, nangako raw ang munisipyo ng Sta Cruz at kapitolyo ng Laguna na ibibigay ang hiling nila na dagdag na courtroom. Ito ay para na rin hindi na maulit ang ganitong sitwasyon na nagmistula silang mga iskuwater maidaos lang ang pagdinig.

Hindi na bago

Dagdag pa ng ulat, hindi na bago ang isyung itong kakulangan ng sariling gusali at pasilidad ng ilang hukuman sa ating bansa.

Katulad na lamang umano ng Bacolor Municipal Trial Court sa Pampanga. Ang nasabing gusali ay matagal nang nalubog sa lahar at mas lumala pa ang kalagayan ngayon.

Sa kabilang banda, ang ibang korte naman umano ay umuupa ng opisina at nakikihati lang ng espasyo tulad ng sa municipal library, maging pati itaas ng palengke.

Eye-opener

Ayon din sa naiulat na ito, para sa ngayong taon, one-fourth lamang ng budget ang inilaan para sa mga ari-arian kasama ang mga gusali.mula sa pondo na mahigit P35 milyon para sa hudikatura,

Banggit pa ng court legal researcher ni Judge Ofrecio na hindi napangalanan, mamulat na nawa ang gobyerno sa kanilang karanasan na ito, na nagbubukas sa katotohan na ang kawalan at maging ang kakulangan ng mga hukuman sa bansa ang ugat ng siksikan sa mga bilangguan at mabagal na pag-usad ng hustisya.


Panooring ang report mula sa GMA News:

 


Source: GMA News

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.