OFW, naloko at nanakawan sa loob ng NAIA; Halagang P300,000 at mga gamit, nalimas - The Daily Sentry


OFW, naloko at nanakawan sa loob ng NAIA; Halagang P300,000 at mga gamit, nalimas



Photo for illustration purposes only 

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kauuwi lamang ng bansa ang ngayo'y biktima ng panloloko at pagnanakaw sa NAIA. 

Modus sa NAIA?

Isinalaysay ni Germelie Martin, isang domestic helper mula Hongkong ang kalunos-lunos nitong karanasan sa loob mismo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Natangay sa kanya ang malaking pera na nagkakahalaga ng P300,000 at mga dala nitong mga personal na mga gamit. 



Sa isang report mula sa ABS-CBN, kinuwento ni Martin, ang insidente na habang siya’y naghihintay sa kanyang lipad papuntang Tuguegarao, Cagayan, may lumapit sa kanya na isang babae at kinakaibigan siya nito habang hanggang mahulog ka sa modus nito.

Nakuha sa kanya pati ang kanyang mga alahas, passport at cellphone, kasama din ang perang na withdraw niya sa ATM sa loob ng airport dahil sa nakumbinsi daw siya nitong mag withdraw ng pera. 

Gagamitin daw sana niya ang kaniyang naipon na pera na kanyang pinagtatrabahoan sa ibang bansa upang matubos ang nakasanglang property ngunit nakuha lang sa kanya ng ganun ganun nalang. 


Photo for illustration purposes only | Photo from RMN
"Pinaghirapan ko po ang pera bilang isang DH pero ninakaw lang po nang walang kapagod-pagod," kwento niya.

Doble ingat

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal nakita at nakilala ni Martin ang suspek na nanloko sa kanya.

Agad namang inaksyunan ng awtoridad ng paliparan at naaresto ang suspek na di pinangalanan. Nakuha pa sa kanya ang mga nakaw gamit na ngunit P65,000 nalang ang natira sa pera. 

Ayon kay Monreal, napag alamang sangkot din sa ibang klase ma panloloko ang suspek na nambibiktima ng mga kauuwi lang na mga OFW.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: ABS-CBN News