Lalaking Pinagtangkaang Nakawan, Inalok Ng Trabaho Ang Binatilyong Magnanakaw - The Daily Sentry


Lalaking Pinagtangkaang Nakawan, Inalok Ng Trabaho Ang Binatilyong Magnanakaw



Screenshots from Youtube
Isang lalaki ang nagpamalas ng ginintuang kalooban matapos nyang alukin ng trabaho ang binatilyong nagtangkang magnakaw sa bahay niya. Desidido na syang bigyan ng leksyon ang suspek ngunit nagbago ang kanyang isip ng malaman nya ang sitwasyon ng menor de edad na kawatan.


Huli Sa Akto

Sa isang news report na ipinalabas ng News5, isang menor de edad na binatilyo ang dinala sa barangay sa Makati matapos itong maaktuhan na nagnanakaw sa isang bahay.Ayon sa pahayag ng may-ari ng bahay, siya ay galing sa trabaho ng mapansin nyang bukas ang pintuan ng kanyang bahay, pagpasok niya ay nakita nyang naghahalungkat ang binatilyo.
Screenshot from Youtube
Bagama’t panay ang pakiusap ng menor de edad na magnanakaw na pauwiin na lamang siya, ipinasya ng may-ari ng bahay na dalhin siya sa barangay upang managot sa kanyang pagtatangkang magnakaw.

Screenshot from Youtube
Screenshot from Youtube
Kapit Sa Patalim

Sa barangay, dito napag-alaman ng biktima ang tunay na dahilan kung bakit nagtangkang magnakaw ng binatilyo. Ayon sa mga barangay tanod, madalas nilang mahuli ang bata na nagnanakaw para buhayin ang lima pa nyang nakababatang mga kapatid. Sila ay iniwan na ng kanilang ina, samantalang ang kanyang ama naman at nakatatandang kapatid ay kapwa nasa kulungan.


Isang Pagkakataon Para Magbago

Dahil sa mga narinig, ipinasya ng biktima na iurong na ang reklamo sa binatilyo, bukod pa dito, inalok nya rin ang menor de edad na magtrabaho sa kanya, upang matuto itong magtrabaho ng marangal. Sinabi rin nyang handa siyang gabayan ang binatilyo at bigyan ng makakain para hindi na ito maisip pang magnakaw.

Screenshot from Youtube
Minsan, may mga pagkakataong akala natin ay wala ng ibang solusyon kung kaya’t tayo ay napipilitang kumapit sa patalim, at gumawa ng labag sa ating mga prinsipyo. Ngunit habang may mga taong handang tumulong, at handang magbigay ng isa pang pagkakataon, ito ay sapat na upang tayo ay magbagong buhay.

Watch the video below:

Source: news.tv5.com.ph