Erwin Tulfo, pinasadahan ang mga escalator sa NAIA T3: Lahat paakyat, walang pababa - The Daily Sentry


Erwin Tulfo, pinasadahan ang mga escalator sa NAIA T3: Lahat paakyat, walang pababa



Composite photos from  Philippine Flight Network and Media Newser Philippines
Bagama’t maganda ang gising ng batikan na news anchor na si Erwin Tulfo, PANGIT naman ang bumungad sa kanya pagdating ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA 3) matapos itong mag – check – in sa kanyang flight.

Pinuna ng “Tutok Tulfo” host ang tila kakaibang pangangasiwa ng naturang Terminal sa kanilang mga pasahero kung saang may maayos nga na escalator subalit karamihan sa mga ito ay PAAKYAT lang at walang pababa.


Pakli ni Tulfo, paano na lamang ang mga madlang may mga dala – dalang bagahe na nagnanais umakyat – panaog sa foodcourt na matatagpuan sa pangalawang palapag ng gusali.

Dahilan ito upang manawagan ang tagapagpahayag sa pamunuan ng NAIA T3  at Department of Transportation (DOTr) upang tugunan ang aniya’y ‘kapalpakan’ ng sinumang pulpol na nakapag isip ng naturang paraan.
Erwin Tulfo / Photo from Media Newser Philippines
Ibinahagi din nito sa kanyang Facebook page nitong Biyernes ang nasilayang kaganapan na may caption na: “ONLY IN THE PHILIPPINES…BWISET!!!

LAHAT NG 4 ESCALATORS SA NAIA TERMINAL 3 AFTER NG CHECK – IN COUNTER PAAKYAT LANG… WALANG PABABA.

IF UMAKYAT KA DAW SA 2ND FLOOR PARA KUMAIN, MAGDUSA KA PABABA SA HAGDAN BITBIT MGA BAGAHE MO.

ANAK NG BAKOKANG KAYONG MGA OPISYAL SA NAIA T3 AT DOTR… KILOS MGA UGOK!!!”

Narito naman ang kabuo - ang mensahe ni Tulfo sa kanyang mga tiga panayam at kinauukulan:

“Hi Bayan, Erwin Tulfo po at your service.

“Narito po tayo ngayon sa NAIA Terminal 3 and paalis ho sana ako. May napansin lang ako, parang ito lang yata ang airport, domestic airport na Hesusmaryosep! Aba'y may 2nd floor ano? Tingnan niyo may 2nd floor ho siya. May Escalator... Ang problema may Escalator siya pero lahat paakyat.
Photo from Wikipedia
“Ito lang yata ang Airport na may 2nd floor, walang pababa, puro paakyat. Kaya yung mga pasahero na may dalang mga gamit, may mga stroller, may mga everything... eh kailangan maghagdan pababa or kaya mag elevator. I'll show you, another escalator ha. Tingnan ho ninyo, ito ho ang pinupunto ko eh. Ito lang yung Airport, tanging Airport sa buong mundo ha, may 2nd floor pero nakapagtataka...Diyos ko po! Lahat ng escalator paakyat lang.

“Kung sino mang pulpol ang nakaisip nito, na lahat ng escalator paakyat, papaano naman kung yung pasahero kagaya ni (nila Maam)? Ganoon din ho 'yung sa susunod.

“Mga bossing sa Deparment of Transportation and Communication at saka NAIA, Sir! Ang dami - daming Escalator, apat! Anak ng p*! Paakyat lahat wala bang pababa? eh papaano kung may mga bitbit na gamit? Isip - isip din pag may time, lintik kayo. Maraming salamat po at magandang umaga!”

“Mabilis naman itong nag – trending sa social media kung saang pinag kaguluhan din ng mga bibong Netizens na nakapaglahad din ng kani – kanilang mapait na karanasan sa T3.

Ayon sa Netizen na si Martin Los Bañes, “Ibang usapan pa yung elevator. Sa area na iyan, meron dalawa pero kadalasan isa lang ang nagagamit dahil palyado naman yung isa. Kaya tendency mahaba pila ng mga nagnanais umakyat panaog sa foodcourt, Yung may mga bagaheng dala2x na kumakalam na ang sikmura namumuti na mga mata kakapila sa elevator para makahanap lang ng makainan.”

Sa palagay naman ni Prichie Lampunay, “sinadya yan sir kasi maraming hindi pasahero ang nasa 3rd floor ang pwede maka punta sa check in counter which is bawal na po kaya paakyata lang yan.”

Laking pasalamat naman ni King Brown at may indibidwal na katulad ni Tulfo ang nakapansin sa naturang “issue”. Ayon sa komento nito, “Ay salamat naman at napansin din.dusa talaga sa pg baba lalo na kon ang tuhod nyo po ay di na kaya bumaba at bitbit pa ang bagahe wala mn mapagiwanan.at nawawala nga un mga bagahe dyan..sana nman mapalitan na yan.ty po.”

PANOORIN ANG VIDEO SA IBABA:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.