Deported OFWs, kinamkam ang mga alahas at gadgets - The Daily Sentry


Deported OFWs, kinamkam ang mga alahas at gadgets



Screengrab from Mah Fe Moskila's uploaded video
Kaawa-awa ang sinapit ng mga bagong uwing ito na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula pa sa Saudi Arabia. Ito ay matapos di umanong malimas ang kanilang mga dalang alahas at gadgets. 

Ang video ay galing kay Mah Fe Moskila, isa sa mga biktima. 


Base sa video na trending ngayon sa social media, makikitang nagkalat ang mga gamit sa sahig ng mga OFWs na ito sa NAIA. Ayon kay Moskila, deportee sila galing pa sa Jeddah. 

"Deported kasi kami kaya bawal kami magdala ng gamit. Kahit po, kahit medyas po pinapaalis dun sa Jeddah", pagpapaliwanag nya. 

"Eh ang nangyari po, naubos, naubos po ang alahas ko. Pati po iPhone ko, mga relo ko po wala na pong laman", dagdag pa nya. 

Ang isang babae naman ay makikitang umiiyak habang ini-inspeksyon ang kanyang maleta para sa mga gamit na nawala. Samantala ang isa pang lalaki, nawalan din daw umano ng cellphone at relo. 

Nananawagan si Moskila at humihingi ng tulong mula sa pangulo. 

"Pres. Duterte, tulungan nyo po kami. Deported na nga po kami, wala na po kaming natira sa pinaghirapan namin. Inubos po nila, President", sabi nya. 

Sa ngayon, hindi pa matiyak kung ang pagkawala ng mga naturang gamit ay naganap sa kanilang pinanggalingang airport sa Saudi, o dito mismo sa NAIA. 

Pagpapaliwanag ng isang netizen na si Lhynne A Deray, tila hindi rin sigurado ang mga nawalan ng gamit kung saan naganap ang nakawan. 

"Intindihin po natin sila maige...ang sabi deported nga sila.Pag sinabing deported neither nahuli silang tnt or nasa costudy sila ng pulus.Ang mangyari niyan nakaposas pa yata sila pag dating ng saudi airport,saka lang tatanggalin ung posas nila pagpasok ng eroplano according sa kilala kong nadeport.Saka lang ibinibigay ung gamit nila pag nasa airport na sila.Ang sabi ni kabayan ,ipinaalam na nila sa pamunuan ng jeddah meaning hinde rin siya cgurado kung saan nawala ung mga item niya...", sabi nya. 

Komento naman ng isang ex-OFW na si Baba Ibrahim, sa pagkakaalam nya, kung ikaw ay isang deportee, hindi allowed magdala ng kahit anong gamit pabalik sa bansa, maliban na lang kung mismong ang gobyerno na ang nagpauwi. 

"Lhynne A Deray tama ang sabi ng lalaki deported cla,so x abroad ako ang pag kakaalam ko walang gamit madala pag ikaw deported maliban kng phil goverment ang nag pauwi sa u", paliwanag nito.


Narito pa ang ibang mga komento:
Screengrab from Mah Fe Moskila's Facebook post
Screengrab from Mah Fe Moskila's Facebook post

Panuorin ang video:


Source: Mark Lopez

Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!