Liham ng isang netizen na anak ng magsasaka sa Pangulong Duterte. Imahe mula sa The Seattle Times at Facebook |
Imahe ng isang typical na magsasaka na nakatingin sa kawalan. Imahe mula sa Philippine Rural Development Project |
NFA rice sa merkado
Naaalala niyo pa ba ang balita na ang mga mahihirap pumipila sa palengke para makabili ng 3 kilong NFA rice. Bakit kailangan mag NFA rice kung marami naman iba't-ibang klase ng bigas naaani ang mga magsasaka.
Dahil sa mga gahaman na negosyante na ang lakas ng loob magtago sa kanilang mga warehouses ng libo-libong sako ng bigas. Para nga naman kapag nagkulang ang produksyon ng bigas, that's the only time na ilalabas nila ang kanilang mga bigas para maibenta ng mataas. Ang saklap diba?
Kahit ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa pangunguna ni PACC Commissioner and Spokesperson Greco Belgica ay nagbunyag ng katiwalian ng mga negosyante sa pagtatago ng sako-sakong bigas sa Bulacan.
Liham ng isang anak ng magsasaka
Kaya naman, nakapukaw ng atensyon ng mga netizens ang naging liham ni Mr. Sentiques Cortez lll na taga Baganga Davao Oriental na isang anak ng magsasaka, lumaki sa bukid at naranasan ang hirap na maging anak ng magsasaka.
Ayon kay Cortez, binibili sa kanila ang kanilang aning bigas ng P18.00 per kilo pero bakit ang pinakamurang bigas na ibinebenta sa merkado ay P50.00 per kilo. Ang Department of Agriculture ay magbibigay sa mga magsasaka ng libreng seedling, ngunit kadalasan hindi naman naani lahat dahil hindi maganda ang tubo.
Oo may nabibigyan ng titulo at tulong na mga magsasaka ang administrasyon Duterte, ngunit hindi lahat.
Pakiusap ni Cortez sa kanyang liham sa pangulo ay mabigyan ang sektor ng mga magsasaka ang pantay-pantay na presyo sa pagbili kanilang produkto sa pagbenta ng mga negosyante sa merkado. Pagod ang mga kaawa-awang magsasaka, ngunit ang yumayaman ay ang mga negosyante.
Read full open letter below:
"Dear Mr. President,
Laking bukid Po ako , tatay at nanay ko po magsasaka. Naobserbahan ko lang po na masyadong mababa ang presyo ng mga produktong pansaka, tulad ng copra na sa amin ngayon ay P16.00 per kilo nalang, samantalang ang mahal ng coconut cooking oil nasa P70.00-80.00 per kilo.
Ang bigas P50.00 na po per kilo ang 160 na variety, pero tuwing anihan ng palay binibili lang po ito nang P18.00 per kilo sa amin.
Isa kami sa mga lugar Na dinaan ng bagyong Pablo na gusto bumangon at pilit bumabangon. Ang pangunahing produkto namin ay niyog at palay..
Maraming mga farmers ang nanlulumo dahil dugo at pawis ang kanilang inilalaan para magtanim at alagaan ang kanilang mga produkto pero pag harvest time kadalasan bagsak ang mga presyo dahil sa mga kapitalistang abusado, gusto lang nang malaking income, paano naman ang mga magsasakang nagpakahirap upang maka-produce ng maraming pagkain sa hapagkainan ng bawat Pilipino?
Lubos akong nasasaktan dahil ang mga farmers dito sa Pilipinas karamihan mga mahihirap, iilan lang ang mayayaman.
Ang #DA at #Pagro, yes may naitulong sila kahit papaano, pero sa mga iilang farm land owners lamang, hindi namin ramdam ang mga programa ng Gobyerno, nasaan na po ang mga budget na dapat sana inaayuda sa mga farmers? Nagbibigay sila ng mga libreng seedlings, pero kadalasan hindi mga ideal na tanim tulad ng kilala namin, nabigyan sya ng mga binhi ng mais, pero iilan lang ang tumubo, gumastos sya from planting, bumili ng mga abuno pero walang bumalik sa kanya, dahil hindi namunga. Kaya ginagawa namin, bumibili nalang kami sa mga may pangalang nurseries or agrivet stores dahil tiyak naming may tutubo at may income kahit papano.
Meron ding binibigay na mga libreng coconut seedlings, tinanggap ng mga farmers, tinanim, pero pagdating ng harvest time, bagsak na naman ang presyo😣
Buong pamilya at buong ka Nayon ko Po dito naniniwala sa pamamahala Mo sir/tatay/Mayor. / Mr. President Rodrigo Duterte.
Sana po mahal na Pangulo #RodrigoDuterte mabigyang pansin ang sektor ng mga magsasaka. Magkaroon ng uniformity ang mga presyo ng mga produkto at dapat may kontrol ang Gobyerno, yung presyong magCompensate naman sa mga pagod namin. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Mr. Sentiques Cortez lll of Baganga Davao Oriental
#mindanaofarmersassociation
#mindanaoscooperative"
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Facebook