Vlogger Will Dasovich, nag-dive sa Pasig River para gumawa ng video advocacy imbes na prank: “Yung amoy talaga, ang baho grabe.” - The Daily Sentry


Vlogger Will Dasovich, nag-dive sa Pasig River para gumawa ng video advocacy imbes na prank: “Yung amoy talaga, ang baho grabe.”



Video Blogger Wil Dasovich kasama ang mga kaibigan niya galing Amerika. Image combined credit to Twitter and Yahoo! PH News
Matapos gumaling sa sakit na cancer ang kilalang video blogger na si Wil Dasovich, umarangkada na kagad ito sa muling pag-gawa ng video. Sa mga video na kanyang ginagawa kadalasan ay nag-papakita ito ng isang karanasan na masasabi nating lumalagpas sa limitasyon.

Tulad na lamang sa ginawa niyang video noong September 9 na kung saang talaga namang mandidiri ka, ngunit sa kabilang banda ang video na ito pala ay may katumbas na isang mensahe para sa lahat.

Wil Dasovich tumalon sa Pasig River. Imahe mula sa PhilNews.Ph
 “May dahilan talaga ako kung bakit nagbubuwis buhay ako, aside from entertainment,” Ayon kay Wil.

“Itong video na ito ay isa sa pinakadelikado at kadiri na ganapan na ginanap ko, pero it was done for the greater good of the environment at para sa ating lipunan.” Dagdag pa nito.

Ginawa ni Wil ang video na ito kasama ang kanyang mga kaibigan na nag-mulapa sa California. At ayon din sa mga ito na first time daw nila bumisita sa Asya kaya naman gusto din nila makaranas ng isang pambihirang experience tulad nalang din ng mga ginagawa ni Wil sa mga nakaraan niyang video.
Wil Dasovich, nag-swimming sa Pasig River at mga kaibigan niya galing California. Imahe mula sa GMA Network
Wil Dasovich, nag-swimming sa Pasig River at mga kaibigan niya galing California. Imahe mula sa ABS-CBN
Wil Dasovich, nag-swimming sa Pasig River at mga kaibigan niya galing California. Imahe mula sa Yahoo! PH News


Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi na pinalagpas ni Wil na gawin ang isang prank na paglanguyin ang dalawang banyaga sa ilog Pasig. Agad naman niyang napapayag ang mga ito ngunit sa kanilang kasunduan ay kasama siyang lalangoy dito.

Alam naman nating lahat kung gaano kabaho at kadumi ang ilog na ito, pero tila hindi ito alintana ng mga kaibigan ni Wil at talaga namang nagenjoy sila sa kanilang ginawa, sinubukan sabihin ni Wil na hindi dapat paglanguyan ang ilog Pasig sa dumi nito ngunit hindi pinansin ng mga kasama niya ang kanyang sinasabi at nagpatuloy lang ito sa pagtatampisaw sa ilog, tulad nalang noong mga unang panahon na malinis pa ilog na ito.

Wil Dasovich/ Screengrab from YouTube. Imahe mula sa Inquirer
“Yung amoy talaga, ang baho grabe, Nakakatawa kasi yung mga banyaga di nila napansin na ang baho, ang dumi, they’re just having fun.” Sabi nito.

“Wait you guys, you know this is a prank, you’re not supposed to be swimming here, this is a prank, hey don’t understand that this was a prank. Well, I guess they’re having fun diba.” Pagkwekwento pa ni Wil.

Mga kaibigan ni Wil Dasovich na nag-swimming kasama ang mga bata sa Pasig River. Imahe mula sa ABS-CBN News
At sa dulo ng kanyang video isang mensahe ang kanyang iniwan.

“Just a few years back within my lifetime the Pasig River  used to be a glorious thing, like a natural water park that flowed to the middle of Manila. It can become that again, if we all just do our part… It’s really easy to blame the government and the private sectors but at the end of the day it really comes down to us, you, me. Without discipline, there won’t be progress.”



Sa ngayon patuloy pa din kumikilos ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa paglilinis ng ilog na ito upang manumbalik ang kagandahan nito. Ngunit kung patuloy padin ang walang ka disiplina ng mga taong nakatira sa paligid nito, ang pagsisikap ng PRRC ay mababaliwala lang din.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Inquirer, YouTube