Mga ama, pasan ang mga anak sa pagtawid sa mala – ‘Obstacle Course’ na tulay patungo sa paaralan - The Daily Sentry


Mga ama, pasan ang mga anak sa pagtawid sa mala – ‘Obstacle Course’ na tulay patungo sa paaralan




Pinagsamang larawan mula sa Facebook at kami.com.ph
Babala: Ang video na inyong masisilayan ay angkop lamang sa mga tamad na mag -aaral.

‘Gagawin ang lahat maka pasok lang’ – ‘Yan ang caption sa ibinahaging video ng Online Vlog Page na Filipino Netizens kung saang makikita ang dalawang mag – ama na tinatahas ang bingit ng kamatayan upang maipasok lamang ang kani – kanilang mga anak sa paaralan.


Makikita sa video, literal na buwis – buhay ang sinapit ng hindi – nakilalang mag – aama habang hinahakbangan ang makipot na tulay na pawang tuntongan lamang gawa ng malaking tubo habang pasan – pasan ang kani – kanilang mga anak upang makatawid lamang sa kabilang dako ng bayan at sa taas ng rumaragasang ilog.

Kung tutuusin, tatahakin naman ng isang butihing ama ang lahat upang matugonan ang mga pangangailangan ng kanyang anak subalit hindi lahat ay naangkop sa mala – ‘Spiderman Moves’ na tila ay dinadanas ng naturang mag - ama sa bawat araw na nilikha ng Diyos.
Larawan mula sa Facebook
Walang katiyakan ang kaligtasan ng sinumang may balak na tumawid sa naturang tulay dahil isang maling hakbang lang ay aagusin lang ng malakas na daloy ng tubig ang iyong landas.    

Panawagan ng Filipino Netizens page ay patuloy na ibahagi ang video upang umabot sa kinauukulan at magawan ng agarang solusyon ang makapigil – hiningang kalagayan ng mga kabataan sa naturang lugar. Umani naman ang video ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Netizens at karamihan ay hindi mapalagay sa sitwasyon ng mag – aama.

Ayon kay Jerson Milagrosa Quiapo, “loko tong magulang nato pano kung madisgrasya ang bata mahulog eh ang lakas ng tubig pwede naman mag absent papasokin lng pag mahina na ang tubig.”

Tanong naman ni Carisse Gavina Armada, “saan ito? Grabe naman hindi naka gawa ng tulay kahit kahoy mga opisyales?”

Ito naman ang panawagan ni Jim-Cris Barber “Sana naman ipa-abot ito kay presidente Dauterte para magawan sila ng tulay. This is very very dangerous for this kids”

Panoorin ang video sa ibaba:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.