Composite photos from Facebook |
Hindi na nakapag – pigil pa ang Alkalde ng Ormoc City at dating aktor na si Richard Gomez nang masilayan ang kinalabasan ng ipinapatayong housing projects ng National Housing Authority (NHA) na nakalaan para sa mga naging biktima ng Lindol sa Barangay Gaas noong Hulyo 2017.
Ayon sa balita, inatasan ni ‘Goma’ ang NHA na i-demolish na lamang ang mahigit – kumulang 16 Housing Units matapos mapag – alaman na ‘substandard’ materials lang ang ginamit ng private contractor nito.
Mga housing units sa pagitan ng Block 3 hanggang 7 sa kabuo – ang 190 units ng relocation site ang di – umano’y ginamitan ng ‘substandard’ na hollow blocks upang mapatayo ang mga ito.
Naging viral naman ang video sa Social Media kung saang nakita si Alkalde Richard Gomez na tinutuligsa ang Engineer ng NHA dahil sa naging kapabayaan nito nang binisita ang mismong lugar.
Richard Gomez / Photo from CNN Philippines |
Umani naman ng ‘POGI POINTS’ mula sa mga Netizens, partikular na mula sa samahan ng mga survivors ng Bagyong Yolanda sa Tacloban City ang ginawang pag puna ng Alkalde.
“We commend the decisive action of Mayor Richard Gomez. This is the course of action that we were hoping the municipal mayors would do and not just coordinate with NHA to ‘rectify’ the situation,” ayon kay Rina Reyes, Project Coordinator ng Land Rights Network at Convenor ng Coalition of Yolanda Survivors and Partners.
Agad namang pina – imbestigahan ni Goma ang naturang pangyayari sa Gaas matapos makita sa isang isinumiteng video ang ‘substandard’ materials na ginamit para sa housing site.
Basahin ang ibat-ibang reaksyon ng mga netizens sa ibaba:
Orubla Coby Do: Look up the arrangement of the hollow blocks its not properly seated it should be interlocked on its side with supporting bars.. corrupt pa more.. good job idol.. minura mona sana mga yan.
Ann Gabral: Watch out netizens there, keep monitoring the constructions of that project and always posts and do comments about it so everybody knows whats real happening there.
Amer Mua: In my humblest opinion, the NHA shoul be abolished. Let the DPWH handle the housing projects.
Panoorin ang video sa ibaba:
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Facebook
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Facebook