Ginang, saksi sa tunay na pakinabang ng Batas – Militar ng dating Pangulong Marcos - The Daily Sentry


Ginang, saksi sa tunay na pakinabang ng Batas – Militar ng dating Pangulong Marcos



Composite photos from Facebook
Isang ginang ang mistulang naging ‘living witness’ sa kalagayan ng isang ordinaryong mamamayan noong panahon ng Martial Law. Lumalabas na tila salungat ito sa tinagurian ng nakararami na di – umano’y isa sa pinaka mapait na yugto sa kasaysayan ng bansa.

Ibinahagi ng Political Blog Page na ‘Showbiz Government’ ang nakalap nitong post mula sa Netizen na nagngangalang Jed Genobili ang isang ‘unsolicited video’ kung saang makikita ang panayam ng ‘mag – lola’ tungkol sa tunay na pamumuhay ng ordinaryong ‘Juan Dela Cruz’ noong panahon ng Martial Law.


Hindi man nakuha ang pagkakilanlan sa mag – anak ngunit inisa – isa ng ginang ang masasama at magagandang pangyayari noong naipatupad ang Batas Militar. Aniya, kung tutuusin ay masaya ang mga tao noong may Martial Law dahil payapa, kaunti ang bilang ng kriminalidad at tanging may mga atraso lamang sa gobyerno ang may takot sa Owtoridad.

Hinimok naman ng Showbiz Government sa caption nito sa naturang post ang mga Millennials na panoorin ang video na sadyang hindi naman naisaad sa mga librong karaniwan ay may bahid na ng propagandang handog ng mga dilawan.

Para sa ginang, isang tunay na BAYANI si Marcos dahil sa mabuting nagawa nito sa bansa partikular na sa pagsulong ng kalakhang Maynila at ang naitaguyod na proyekto nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Umani naman ng maraming positibong reaksyon ang naturang post mula sa mga netizen na sumang – ayon din sa mga nabanggit ng ginang. Upang patunayan na totoo ang naisalaysay nito, sinabi ng netizen na si Yoly Viniegra na, “True. Napakatahimik noong panahon ng Martial Law. Kung ikaw ay pangkaraniwang tao masaya ka. Iyong mga taong gusting mang agaw ng kapangyarihan ang hindi makuntento.”

Narito naman ang pangunahing bahagi ng panayam ng mag – lola:

Binata: Masaya ka noong Martial Law?

Lola: Kaming tahimik na mamamayan, nandidito, tahimik, masaya kami. Walang kinatatakutan na huhulihin kami

Binata: Bakit?

Lola: Hindi naman kami nagsasalita kontra sa gobyerno kasi tuwang - tuwa nga kami na nag - Martial Law... Tahimik ang bayan.

Binata: So yung mga nagrereklamo ngayon sa TV, sila yung mga ayaw sa gobyerno noon?

Lola: Oo ayaw galit na galit sila kay Marcos.

Binata: Bakit?

Lola: Ewan ko ba sa mga hinayupak na 'yun, mga militante nga eh. Kahit noon pa may... Ayan mga Aquino kalaban talaga ng mga Marcos 'yan noon pa.

Binata: Ano reaksyon mo doon sa mga ayaw sa Martial Law noon? Mga pinatay daw, ganyan

Lola: Eh siyempre pinatay sila kasi rebelde sila eh. At saka mga kriminal mga may record na din naman yung mga pinatay, hindi naman basta pinapatay. Basta may record na yun, halimbawa nahuli, nakalabas na, gumawa ng kalokohan, hindi na, wala nang patawad, binabaril na, pinapatay na yun. Tapos yung mga masasamang loob na halimbawa mga magnanakaw, sinasalvage 'yun, patay!

Binata: Kayo, anong ginagawa niyo dito?

Lola: Wala, basta namumuhay kami, nag - aaral, nagsisimba, namamalengke...tahimik kami. Lahat kami dito halos sa Tala tuwang - tuwa sa Martial Law dahil tahimik. Pumunta nga dito si Imelda Marcos eh.

Binata: Anong ginawa niya?

Lola: Bago mag Martial Law pumunta dito. Mga tao takbuhan parang mga kabayo nag - aano sa lupa, takbuhan ng dumating si Imelda oh. Mga tao talaga takbuhan, tumutunog yunh kalsada, nag uunahan pumunta sa simbahan. Andun si Imelda. Eh kami nasa simbahan, alam mo taong - simbahan ako dati pa eh.'Di ba pati nga kayo niyayaya ko sa simbahan na napaka - liliit pa ninyo.

Binata: Pero Lola, ano yung sinasabi nila na mga nire - rape daw, totoo ba yun?

Lola: Mga rape? Kahit hanggang ngayon naman ang daming nire - rape na mga ano eh, mga kadugo pa nagre - rape eh.

Binata: So Lola, 'yung Martial Law noon hindi naman lahat masama?

Lola: Oo, hindi lahat masama. Basta malinis ang pamumuhay mo, hindi ka nagdadakdak kontra kay Marcos, eh di, tahimik ang buhay niyo. Pero sa bus talaga nasubukan ko, takot na takot magsasalita mga tao eh. Panay tingin nila kung may mga Pulis, mga Sundalo. Mga Sundalo nakapaligid eh. Takot magsalita.

Binata: Ano Lola yung hindi mo makakalimutan nung Martial Law? Noon.

Lola: 'Yung mga hayop na militante na binastos nila ang Malacañang. Dun ako nagalit. 'Yung litrato ni Marcos pinagkukuha, hinahampas, sinisira. 'Yung mga gamit sa Malacañang pinagnanakaw din nila.

Binata: Ilang taon ka noong Martial Law?

Lola: Line of 3 ako eh, 72 nga eh. 33 lang pala ako noong Martial Law.

Binata: Bawal kaya yan (sleeveless na damit) noong Martial Law

Lola: Wala ah. At saka yung mga sabi nila yung mga matatanda na humihingi ng Pension? Mga iba ang pumatay sa kanila, idadahilan nila si Marcos, mga Sundalo ni Marcos.

Binata: So naniniwala ka Lola na bayani si Marcos?

Lola: Para sakin bayani siya. Alam mo ang improvement ng Maynila dahil kay Marcos. Yung mga tulay na yan (na paganun-ganun) galing sa probinsya sa Laguna, 'yung highway na yan napakahaba, kay Marcos 'yun! Mga improvements na puro sementado lalo na 'yung sa Makati (yung paganun-ganun) na tulay doon at kalsada, kay Marcos 'yun!

Panoorin ang video sa ibaba:



Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Jed Genobili / Facebook