Composite photos from Ton de Jesus Facebook |
Tahasang sinita ng isang motoristang si Ton de Jesus ang dalawang nakasabayang enforcer ng MMDA dahil sa malinaw na paglabag ng ipinapatupad nitong batas kaugnay sa mga motorista partikular na sa mga RIDER ng motorsiklo.
Naganap ang naturang paninita habang nakasabayan ni Ton ang dalawang magka – angkas na enforcer habang bumabaybay sa kahabaan ng C5 Northbound patungo ng Commonwealth nito lamang Biyernes ng gabi.
Unang pinuna ni Ton ang “blinker” na ginamit ng nagmamanehong enforcer bilang pangunahing ilaw gayon at ipinagbabawal ito at may karampatang multa sa sinumang motorista ang lumabag. Depektibo umano ang headlight ng motor kung kaya’t napilitan silang gamitin na lamang ang blinker.
Kuha ang kabuo – ang pangyayari sa isang maikling camera na nakakabit sa helmet ng naturang motorista. Halata din sa video na napatahimik na lamang ang ang nagmamanehong enforcer na nakilalang si Bravo, NL at isa pa nitong ka – baro.
Photo from Ton de Jesus Facebook |
Ang naturang video ay ibinahagi ni Ton sa kanyang Facebook account matapos ang kanyang pagmumuni – muni sa biyahe kung may maidudulot ba itong katarungan sa mga RIDERS sa kasagsagan ng mahihigpit na paggamit ng motor sa lansangan.
Hati naman ang pananaw ng mga Netizens na nakibahagi sa ginawang paninita ni Ton sa video nito na pumalo naman sa mahigit 2.6 Million views magmula nang maibahagi ito sa social media.
Narito ang salaysay ni Ton sa kanyang Facebook post:
“Habang nag mamaneho ako pauwi ng bahay iniisip ko mabuti kung ipo post ko ba to. Naisip ko na kapag pinost ko to sisikat kayo sigurado at mameligro ang inyong trabaho. Pero naisip ko din na kapag hindi ko ipinost to mawiwili kayo sa ganyang gawain nyo! Kaya magiging patas lang ako harapin nyo kung ano magiging multa nyo!
Photo from Ton de Jesus Facebook |
Paanong nangyari na pasok kayo sa ganyan trabaho na kayo mismo luma labag sa pina patupad nyong batas! Hindi lang kayo sinita ko dahil sa letseng blinker nayan kahit kapwa ko rider basta nakitaan ko ng ganyan sini sita ko swerte nyo na hagip kayo ng mahiwagang camera ko. Da dalhin ko ito sa opisina nyo sa Guadalupe para mapag multa kayo! Ma swerte kayo wala ako nakitang ka baro nyo dyan sa stop light ng UP Uptown o pulis papa ticketan ko talaga kayo ang tatanda nyo na wala pa kayong pinagka tandaan! Sumi sigaw kayo ng pag asenso at pag babago ayaw nyo naman umpisahan sa mga sarili nyo!”
Ayon sa komento ng netizen na si Soi Sausa, “Walang masama kung gusto mong sitahin ang taong may mali. Ang masama e mayabang ung way mo ng pagsasalita, unang una ang sinita mo e nka uniporme, konting pag galang sana.”
Sabi naman ni Marcelino Galagpat Bernesto Jr., “Dapat lahat ganyan kahit pulis mmda army unfair nman kc kung tayo sinisita tapos cila lumalabag na cila mismo nagpapatupad.”
Panoorin ang video sa ibaba:
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Ton de Jesus (Facebook)
Panoorin ang video sa ibaba:
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Ton de Jesus (Facebook)