Libro ng K-12 Students, palpak, Inulan ng Pamba-bash sa Social Media - The Daily Sentry


Libro ng K-12 Students, palpak, Inulan ng Pamba-bash sa Social Media



K-12 program ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Imahe mula sa GMA Network
Banana Rice Tereces sa Ilocos Region

Nag viral ang post ng isang concerned citizen na si Anthony S. Comedia tungkol sa isang libro na ginagamit para sa mga K-12 students. Matapos niyang Makita ang mali maling spelling ng isang tourist spot sa Pilipinas at mayroon ding diskriminasyon sa ating mga katutubo na nakasaad sa libro. 

K-12 program ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Imahe mula sa GMA Network
Mali mali ang mga impormasyon na nakasaad sa libro, isa na dito ang “Banana Rice Tereces” bukod sa hindi naman dapat Banana kundi Banaue ay mali pa ang spelling ng Terraces. At nakasaad rin sa libro na ito ay matatagpuan sa Ilocos Region na dapat ay sa parte ng CAR o Cordillera Administrative Region. Ayon kay Comedia ay hindi lamang ito ang mga pagkakamali sa libro. 


Image mula Facebook/Anthony Comedia

Image mula Facebook/Anthony Comedia

Image mula Facebook/Anthony Comedia

Image mula Facebook/Anthony Comedia
At dahil nag viral ang post ni Comedia agad itong nakita ng author ng librong pinublish ng Phoenix Publishing House na si Alma Dayag at agad na dinispensahan ang sarili at ang librong isinulat. Ayon kay Dayag ay naiayos na raw ang mga nasabing pagkakamali at ito raw ay unang edisyon ng libro. Humihingi rin ito ng pasensya dahil sa lumabas na diskriminasyon sa ating mga katutubo na sinasabing maliit at maitim na ang kanyang tangi raw hanggad ay para mas maintindihan at mas madalian ang mga grade one students sa pagbibigay diskripsyon sa mga katutubo sa bansa. 


Bagaman humingi na ng pasensya si Dayag ay nagtataka padin si Comedia kung bakit nakalagpas ang librong ito sa proseso ng proofreading. Nanawagan rin siya na sana ay respondihan kaagad ito ng DepEd at huwag basta baliwalain.


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.