Grandma, 103, gets birthday surprise from Pampanga cops - The Daily Sentry


Grandma, 103, gets birthday surprise from Pampanga cops




Lola Rosa joyful of her birthday surprise from the Police Officers of 302nd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 3 / photo from Facebook


A centenarian from Clark, Pampanga received the surprise of her life as the police officers from Central Luzon brought her a cake for her 103rd birthday last Thursday.

Facebook post of Viperpcr Threezerosecond Manuevercompany shared that Police Officer 2 Alberto Reyes and other members of the 302nd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 3 gave Rosa Gaturian a birthday cake on August 16.


The post says that while Reyes’ was on foot patrolling in Clark, he saw Lola Rosa, collecting junks from garbage.

Reyes and his group approached the elder from Leyte, who said she’s already 103 years old and living alone by herself.

The police officers went to her home and surprised her with a cake. They also brought rice and some food.

The group also appealed to the netizens for any help they could give for Lola Rosa.

Authorities have yet to find documents that would prove Lola Rosa’s age.


Below is the complete Facebook post from Viperpcr Threezerosecond Manuevercompany:

Maaala natin nang si PO2 Alberto Reyes ay nagpapatrolya sa loob ng Clarkfield Pampanga ng makita niya si Lola Rosa na nangangalakal, ayon sa kanya siya ay 103 taong gulang na at ang petsa ng kanyang kapanganakan ay August 16, 1915.

Sa pagnanais na tumulong ni PO2 Reyes ay nagtungo ito sa kanyang tirahan kasama ang iba pang miyembro ng 302nd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 3 upang sorpresahin si Lola. Namahagi din sila ng kaunting bigas at pagkain at sabay-sabay din nilang binati at inawitan si Lola na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Makikita sa mga ngiti ni lola ang kanyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa munting sorpresa na inihandog ng ating mga kapulisan.

Dahil sa kagustuhan namin na makakuha si Lola ng benepisyo mula sa gobyerno sa katulad niya na may edad na 103 yrs old ay nagtanong sila kay Lola kung mayroon ba siyang naitagong dokumento (birth certificate) subalit ang nag iisa at pinakatago-tago niyang birth certificate noon ay kinuha raw ng isang tao na nagsabing tulungan siya ngunit hindi na ito bumalik. Tanging ang mga IDs na lamang niya ang kanyang naitabi ngunit hindi rin magkakatugma ang edad at impormasyon na nakalagay dito.

Mayroon siyang nag-iisang anak ngunit aming napagalaman na ito ay sumakabilang buhay na. Ang kanyang nag iisang pamangkin na lamang ang dumadalaw sa kanya sa kanyang maliit na barong-barong. Napag alaman din namin na si Lola ay tubong Leyte. Nais namin tulungan si lola subalit kulang ang mga dokumento na magpapatunay ng kanyang edad.

Sana po ay napaligaya namin si lola sa aming simpleng sorpresa at nawa ay aming napawi kahit sa maiksing panahon ang kanyang pangungulila.

Sa mga nais din pong magbigay ng tulong at impormasyon na makakatulong sa aming misyon upang matulungan si Lola Rosa, maaari po ninyo kaming imessage dito po sa aming fb account o kaya naman ay maaari niyo rin po siyang puntahan sa Marcos Village, Mabalacat City Pampanga.

Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon!





A cake, rice and some food to surprise the celebrant / photo from Viperpcr Threezerosecond Manuevercompany

Reyes and his team sings happy birthday for Lola Rosa with a cake / photo from Viperpcr Threezerosecond Manuevercompany