Dalagang may kagandahang – taglay, akusado sa pagnanakaw ng Cellphone - The Daily Sentry


Dalagang may kagandahang – taglay, akusado sa pagnanakaw ng Cellphone




Composite photos from Facebook
HULI sa aktong pagnanakaw ng cellphone ang isang magandang dilag sa loob mismo ng pamilihan ng school supplies kung saang kitang – kita sa CCTV footage kung paano nito sinalamangka ang nasabing krimen.

Agad na nakilala ang suspek na si Jessa Mae Felias, residente ng Parañaque City, base sa kuha ng CCTV footage ng naturang establisyemento. Kitang – kita kung paano hinablot nalang bigla ng dalaga ang cellphone mula sa bag ng kanyang biktima habang abala itong nagbabayad sa cashier. Mabilis namang nawala sa eksena ang dalaga.


Lingid naman sa kaalaman ng maraming tao sa paligid ang pangyayari nang dahil mabilis nitong naisagawa ang pagnanakaw.

Umani naman ng samu’t saring batikos ang ginawa ng babae simula nang maging viral ang video nito noong Lunes, Agosto 21, kung saang isa sa nagbahagi nito ay ang Netizen na si Patricia Z. Romero sa sarili nitong Facebook Account. Ayon sa caption ng kanyang post, “#BABAE Ateng magandang chinita nag nakaw ng cellphone, ambilis ng kamay, paki sauli nalang Daw Po ate yung kinuha mong cp sabi ng may ari!!! #Please daw po jessa mea Felias na taga Paranque . paki balik Daw ' nag tatrabaho ng marangal at parehas ang kinuhanan mo ate girl💁”.
Photo from Facebook
Nagbahagi din ng kani – kaniyang komento ang iilang netizens na nagulat sa ginawa ni Felias dahil sa mapang – akit nitong anyo base sa nakalap na iba’t – ibang larawan nito sa sarili nitong Facebook.

Ayon kay Francia Arimado Cas, “sayang ang ganda mo sana nagtrabaho ka nalang ng marangal kung gusto mong magkacp magtrabaho ka para makabili ka ng gusto mo kaysa magnakaw ka.kakahiya sa magulang mo ang ginawa mo.”

Isang uri naman daw ng kapansanan ang pagnanakaw na ginawa ng mga uri ni Felias, ayon kay Maila Div. Sa kanyang komento, sinabi nito na “Some rich kids are clypto maniacs. They can afford it,but they like to steal it.”

Samantala, todo – tanggi naman itong si #Ateng kung kanilang tawagin sa pangyayari at sinabing napagkamalan lamang siya sa babaeng nakita sa CCTV.

“Di ako to! Like wtf anlayo ng mukha namin, ilong palang” ayon sa Facebook post ni Felias.

Hindi naman ito agad pinaniwalaan ng mga netizens na kumbinsido sa pagkakakilanlan ng kanyang pagkatao sa naturang insidente. Dinipensahan si Felias ng mga nakakakilala sa kanya at iginiit na inosente ang kaibigan.

Panoorin ang video sa ibaba:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Patricia Z. Romero (Facebook)