Traffic enforcer ng MPD, huling-huli kung papaano nangotong ng P2,000 - The Daily Sentry


Traffic enforcer ng MPD, huling-huli kung papaano nangotong ng P2,000




Screenshot from Pinoy Star Ngayon (Facebook video)
“AREGLO” - Yan ang bukod – tanging pamagat sa video na ibinahagi ng isang netizen sakaling gawing dokumentaryo ito kung saang HULING HULI sa akto ng pangongotong ang isang Traffic Enforcer na kinabibilangan ng MPD o Manila Police District Traffic Enforcement Unit.

TRENDING ngayon ang naturang video na ibinahagi ng concerned citizen na si Ernalyn Gacosta Eugenio sa karanasan nito kasama ang isang banyaga nang mahuling bumabaybay sa kalakhaang Maynila kahit naka – coding ang sasakyang lulan ng mga ito.



Bagama’t lumabag nga ang mga ito sa batas – trapiko, sinamantala naman ng malupit na enforcer ang pagkakataong kotongan ang mga ito.

Hindi malinaw kung paanong hindi nahalata ng Enforcer na siya’y kinukunan na ng video habang isinasagawa ang pangongotong ngunit halatang - halata sa mga biktima na hindi nila naunawaan ang naging ‘da moves’ ng naturang enforcer. Kitang – kita sa video kung paano inabot ang perang nagkakahalaga ng P2,000.00 na ikinabahala naman ng banyagang nagmamaneho ng sasakyan at nakunan ng lisensiya.
Screenshot from  Pinoy Star Ngayon (Facebook video)
Tila hindi pa kinaugali-an ng banyaga ang siste ng pangongotong kung kaya’t paulit – ulit nitong hiningan ang enforcer ng resibo bilang katumbas ng perang ibinigay ng pinay na kasama. Nang tinanong ng banyaga kung para saan ang perang ibinayad, “It’s for AREGLO” – ang tangi na lamang naisagot ng enforcer. Humingi pa ng tawad ang pinay ngunit naibulsa na ng enforcer ang pera at tila nahirapan pang dukutin pa itong muli.

Umani na ng mahigit 49,000 Shares ang naturang video simula nang maibahagi ito ni Ernalyn sa kanyang Facebook account at napanuod na rin ng mahigit 2M Netizens.

Samu’t sari naman ang mga komentong bumalot sa naturang video.

Ayon sa komento ni Jomarie Lorenzo, “You complain being a victim of a corrupt system that you are a part of and continously tolerate.

“Just because you do not want any hussle so you gave in to the enforcer’s extortion, but did not even think that you might got apprehended by violating the coding scheme in the 1st place.

“Hay! Magbago n kyo uy!

“Just follow the law. Period. If every single person would just respect the law and avoid bribery, then no one will extort from you. And if you violate the law, be a responsible individual to own it hindi yung manunuhol kayo.”

May mensahe naman si Ian Jonathan Gonzales para sa ‘naging’ biktima ng pangongotong:

"willing magbigay ng 2k pero gustong ivideo at ipakita sa social media? dahil sa gusto nyong mawalan ng trabaho ang enforcer? so nadouble cross nyo pa sya, mababawi nyo na ang 2k, mawalan ng trabaho at posibleng kulong pa. kung masama ang enforcer, 2x masama ang car passengers na willing magbigay ng pera at magvideo. Think outside the box"

Panoorin ang video sa ibaba:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Pilipino Star Ngayon (Facebook Page)