Composite photos from PinoyArtikulo video |
Patungo sana ng Philippine General Hospital (PGH) ang naturang Ambulansya ng parahin di – umano ito ng Traffic Enforcer na kinilalang si BUARON RM, ayon sa kanyang nameplate, sa hindi pa nabibigyang – linaw na kadahilanan. Ayon sa driver ng Ambulansya at mismong ka – engkwentro ni Buaron na si Gerrome Tagle, lulan umano nila ang isa pang Traffic Enforcer ng Abad Santos na biglang inatake sa puso ‘while on duty’.
Bagama’t naghihingalo na ang pasyente nito, nagawa pang magtalo ng dalawang panig sa kahabahan ng lansangan na naging sanhi na din ng pagpanaw ng pasyente.
Hindi malinaw kung ano ang naging violation ni Tagle ngunit nilinaw naman ng kanilang panig na hindi naman umano sila ‘tinikitan’ ng Enforcer.
Nakuha naman sa video ang pagtatalo nina Tagle at Buaron na ibinahagi din sa Facebook Account ng nagpakilalang pinsan ni Tagle na si Dan Russell Santos.
Narito ang detalye ng naturang Facebook Post:
"Ambulansya, hinarang ng enforcer, pasyente nαmαtαy dahil 'di umabot sa PGH
"Guys pakikalat naman po itong video, concerned citizen lang po ako I'm not the one who took the video it's my cousin Gerrome Tagle at sya din po ang kausap mismo ng MTPB na ito. dahil po sa MTPB na ito nαmαtαy po ang pasahero nila na isa din pong MTPB ng abad santos na inatake sa puso.
"Sabi pa po ng MTPB na ito e ano kung ambulansya hindi naman daw kelangan magmadali at padaanin ang mga nagmamadaling mga ambulansya at pilit pa silang tinitiketan. Pinapabura din po ang video sa pinsan ko at ayaw syang paalisin at humaharang pa sa kalsada na daraanan ng ambulansya.
"Uulitin ko po nαmαtαy po ang pasyente na abad santos MTPB din ang trabaho dahil hindi po umabot sa PGH dahil sa magaling na MTPB na ito. Kayo napo humusga malinaw naman po ang Video.
"Halatang hindi na sasala ng maayos ang mga ito bago hayaang i-deploy sa kalsada! 😡👎
"BUARON RM name ng MTPB"
"(c) Dan Russell Santos
"(Erratum: Lilinawin lang namin na wala pong ticketan dito na nangyayari.)”
Panoorin ang video sa ibaba:
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: PinoyArtikulo (Facebook Page)
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: PinoyArtikulo (Facebook Page)