OFW na Binulag, Pinilay at Binuhusan ng Mainit na Tubig, Nakauwi na sa Pinas mula sa Abu Dhabi - The Daily Sentry


OFW na Binulag, Pinilay at Binuhusan ng Mainit na Tubig, Nakauwi na sa Pinas mula sa Abu Dhabi



 Overseas Filipino Worker (OFW) Merly Rivera sinalubong ng media at ni Sec. Bello. Imahe mula sa Facebook/Ilokano Kami TV
Marahas ang pinagdaanan ng 45-taong gulang na Overseas Filipino Worker (OFW) Merly Rivera mula sa amo at sa bansang kanyang pinagtatrabahuan. Kamakailan lamang ay siya’y naka uwi na sa kanyang probinsya sa San Mateo, Isabela ngunit gulat na gulat ang kanyang pamilya ng siya’y makita.

Halos hindi na po makilala si nanay Merly pagkat ang kanyang buong katawan ay na puno ng peklat. Bulag na rin po siya at pilay pa.

Ayon sa kwento ng kanyang kamag-anak na si Crisanta Ebe, malusog pa at punog-puno ng buhay pa si nanay Merly noong siya’y nagpa Abu Dhabi, UAE noong ika-14 ng Agosto, 2014. Ngunit noong siya’y pumalik sa Pilipinas kaawa-awa ang estado ng kanyang kalagayan.

Ikwinento ni Crisanta na halos pitong buwan pa raw mula noong nagpa-UAE si nanay Merly bago niya ito nakausap pagkat kinuha’t tinago ng amo niya ang kanyang cellphone.


Bukod rito inabuso siya sa pamamaraan na hindi pan-tao pagkat binuhusan ito ng kumukulong tubig ng arabo ang kanyang mata na siyang bumulag rito.

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang pangaapi sa OFW!

Pinilay ng kanyang mga amo ang paa nito upang hindi ito makalakad sa pamamagitan ng pagpupukpok dito gamit ang bakal na sandok!

At paulit-ulit na pinipintahan ng Henna ang mga pasa at peklat ng OFW para maitago ang marka ng pangaabusong nararanasan nito.

Isa ring marka ang makikita sa noon ni nanay Merly pagkat siya pa ay inuntog sa pader.



Maselan po talaga ang pinagdaanan niya upang maitaguyod ang kanyang limang anak. Ano bang klaseng kultura ang meron sa Abu Dhabi? Mapagparaya sila sa hindi-pantaong pagtrato sa mga manggagawang tumutulong sa kanilang kakulangan sa mga tauhan?

Sa makatuwid, ang estado ni nanay Merly ay isang kagagagawan ng tao na nasa bang pag-iisip?
Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV


Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV

Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV


Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV


Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV
Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV


Image screenshot grabbed from Facebook/Ilokano TV

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.