Actor Robin Padilla nagbigay ng kanyang opinyon sa kumakalat na banner ng Province of China ang Pilipinas. Imahe mula sa Rappler at Facebook account ni Robin Padilla |
Kahit ang Malakanyang, walang ideya kung sino ang nagpaskil nito sa iba’t-ibang lungsod ng Metro Manila. Ngunit isa lang ang masasabi ng aktor na si Robin Padilla patungkol dito.
Palace: 'Philippines Province of China banner handwork of enemies of government'. Photo from MSN Philippines |
“Bukod sa
Katang*han ay Isang napakalaking KATRAYDURAN ang propaganda na ito ng mga taong
nais bahiran ng Pulitika ang gumagandang relasyon ng Inangbayan Pilipinas at ng
ninunong China,” naging panimula ni Robin Padilla sa
kanyang madamdaming Facebook post.
Kanyang pinagisipan
na pupwedeng Estados Unidos o Europa ang gumawa nito ngunit mahirap nga daw
magturo-turo, baka tayo’y ma lagot!
Kaya naman kanyang
pinagpasyahan na isa itong biro ng mga politiko pagkat papalapit na ang
halalan.
Isang birong kanyang
ikinalulungkot pagkat wala itong bahid ng talino. “Stupid Joke” ika-nga ng
actor.
Bukod rayon kanyang
binigyan ang kanyang mga mambabasa’t tagasuporta ng isang mahabang leksyon
patungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at ng ating mga ninuno. Kanyang
ipinaliwanag na ating unang nakarelasyon sa pakakalakal ay ang mga Tsino. Sa
makatuwid nga kanyang sinabi na “65
percent ng mga Pilipino sa ngayon ay may Chinese Ancestry…”
Dahil dito naging malapit ang relasyon
natin sa Tsina, ngunit kanyang pinaalala na,
“HINDI tayo probinsya ng Ninunong China! Tayo ay isang
malayang Bansa at malayang mamamayan.”
Kanyang tinapos ang kanyang isinulat sa
pagturo ng daliri sa totoong salarin ng problemang inaayos ni Pangulong Rodrigo
Roa Duterte. Ayon sa aktor, ang dating adminstrasyon ni Pangulong Benigno
Simeon “Noynoy” Aquino III ay ang may dahilang kung bakit naging kawawalan ang North
Borneo, Spratly’s Islands at ngayon ang Scarborough Shoal.
Ayon nga daw sa A-1 information na nakalap
ng aktor, binili daw ng Tsina ang mga islang tinatayuan ngayon ng mga base
military at ito’y binili sa panahon ni Aquino.
Read full post below:
"Bukod sa Katangahan ay Isang napakalaking KATRAYDURAN ang propaganda na ito ng mga taong nais bahiran ng Pulitika ang gumagandang relasyon ng Inangbayan Pilipinas at ng ninunong China. Marahil iisipin natin na mga pulitikong pabor sa Amang Amerika ang nakaisip nito? Maaring mga pulitiko rin na pabor naman sa Ninunong Europa? mahirap magbintang! Masama yun! baka rin naman mahilig lang magpatawa ang gumawa nito eh napakaraming nagiging komedyang pulitiko lalo kapag papalit na ang eleksyon.... Ang Pag ibig sa Bayan ay hindi nasusukat sa mga ganitong paandar! Halatang walang alam sa kasaysayan at katotohanan ang nag isip nito ika nga sa salitang inglis ay isa itong Stupid Joke! Nakakatawa pero Nakakabobo! Wala ka man lang natutunan sa Patawang Political Statement na ito..... Mga mahal kong kababayan ayon sa mga ebidensya ng archeology at anthropology Ang ating pinagmulan na lahi ay Austronesian. Magkamag anak na talaga ang kultura natin ng ninunong china bago pa dumating ang ninunong europa at salinan tayo ng kanilang kultura. Hindi pa dumarating ang mga dayuhang puti ay meron na tayong trade at political relationship sa Ninunong China. Panahon pa ng mga Rajah, Datu at Sultan meron na tayong Alliance sa Ninunong China. Katunayan ay 65 percent ng mga Pilipino sa ngayon ay may Chinese Ancestry bago pa ang Spanish, European, American, Japanese atbp. Ninuno at Kaibigan natin ang China katulad ng Taiwan, kamag anak natin ang buong maritime south east asia, sri lanka, andaman islands hanggang madagascar. Malapit ang relasyon natin pero HINDI tayo probinsya ng Ninunong China! Tayo ay isang malayang Bansa at malayang mamamayan. Ang singalot sa South China Sea/West Philippine Sea ay dulot yan ng mga maling desisyon ng mga nagdaang gobyerno! Una sa paghandle ng North Borneo Pangalawa sa Spratlys Pangatlo itong Scarborough Shoal na ayon sa A-1 information ay binili mismo ng ninunong china sa mga local governments ng Pilipinas ang mga lupang ginamit nila sa pagtatayo ng air strip at military base sa mga Isla na pinag aagawan. Panahon po ito noong nakaraang administrasyon."
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Robin Padilla and former President Noynoy Aquino. Image combined photo credit to Google photos |
President Benigno Aquino and Chinese Defense Minister Liang Guanglie. Image credit to Inquirer, Global Nation |

Source: Facebook/ROBINPADILLA.OFFICIAL