Photo compiled from Filipino Insights (Facebook Page) |
Nababahala ngayon ang maraming Netizens sa nag – tetrending na video ngayon kung saang makikitang may tatlong bata, dalawang babae at isang lalaki, na sa kabila ng murang mga edad ng mga ito, ay natuto nang MAG – YOSI!
Hindi malinaw kung tiga – saan ang mga batang napakita sa video na pawang nasa may sampung (10) taon lamang ang edad o pababa. Hindi din nabanggit kung ano ang mga pangalan ng mga ito. Napag – bentahan umano ang mga ito ng kalapit lamang na tindahan nang tinanong kung saan nanggaling ang sigarilyo.
NAKU PO! - Kusang inamin din ng isa sa mga bata na ang mismong NANAY pa ng mga ito ang nagturo sa kanilang mag – yosi. Ang isa naman ay sinabing ang KUYA naman daw niya ang nagpasimuno. Makikita din sa video na inosente pang nag – alok ang isa sa mga ito ng yosi sa kumukuha ng video.
Wala namang naiulat pang kaganapan ukol sa pagkakakilanlan ng mga bata at kung saan sila nakatira kabilang na ang mismong kumuha ng video. Ngunit, napag – alaman namang sa Bacood Elementary School nag aaral ang mga bata nang mabanggit ng isa sa kanila.
Photo screen shot from Filipino Insights |
Mahigit tatlong (3) Milyon beses nang napanuod ang naturang video na naibahagi naman ng Facebook Page na Filipino Insights.
Matatandaang noong Hulyo 23 noong nakaraang taon naipatupad ang “Nationwide smoking ban” o ang kautusang nagbabawal sa paninigarilyo sa lahat ng mga pampublikong lugar sa buong bansa, batay na rin sa Executive Order No. 26 na inapubrahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng kautusan, maari lang manigarilyo sa mga itinakdang lugar at BAWAL ang paglagay ng kahit anong ‘Smoking Area’ sa mga lugar katulad nalang ng Ospital, Medical Clinic, Health Centers, lalo na sa mga Paaralan.