Photo from Angelique Pasion (Facebook) |
Naantig ang puso ng iilan nang mga Netizens simulang maibahagi sa Facebook account ng kinilalang si Angelique Pasion nito lamang Miyerkules ang naging karanasan nito nang makasakay ang matandang lalaki papunta sa paroroonan nitong paaralan sa Davao City nang pumara ang sinasakyang bus sa tapat ng Davao Penal Colony (DAPECOL).
Nagsimula ang kwento nang napatanong na ang matandang lalaki sa konduktor kung magkano ang pamasahe. Agad namang nag alok ng P50.00 na pamasahe ang katabi nito nang malamang tanging P50.00 lamang ang dala – dalang pera ng matanda.
Bagama’t kapwa estranghero ang magkakatabi, hindi naman nag alinlangang mag – abot ng tulong ang katabi nito. Dahilan na din upang makapag usap ang dalawa.
Ayon umano sa kwento ng matanda, bagong – laya lamang ito mula sa 12 taong pagkakulong sa kasalanang hindi naman niya nagawa. ‘Nagpakulong’ o inangkin na lamang ang hindi nabanggit na kasalanan sa kadahilanang ayaw na din naman nito ng gulo. Dahilan na din kung kaya’t hindi na ito nahatulan pa.
Taong 2004 nang mabilanggo aniya ito sa DAPECOL at walang sinuman sa kanyang mahal sa buhay ang nakaka – alam sa sinapit nito. Dumaan ang maraming kaarawan at pasko na walang dumalaw sa kanya habang nakapihit sa loob. Hindi napigilan ng matanda na lumuha habang ikinukwento ang mapait na karanasan at laking pasalamat na din daw sa Panginoon sa pagkakataong napalaya ito upang makita na muli ang kanyang mahal sa buhay.
Photo from Agik (Facebook Page) |
Aniya, nasa Bacolod City ang kanyang mga pamilya kabilang na ang panganay na anak nitong 3 – taong gulang pa lamang noon at ang tanging alam ng mga ito ay sa Cebu siya nagtatrabaho. Tanging mga damit at pinanghahawakang Certificate of Discharge lamang mula sa bilibid ang dala – dala ng matanda.
Hindi naman nag – atubiling magbigay din ng kaunting tulong si Angelique dahil ayon sa kanya, kitang – kita sa mg ani ‘tatay’ ang saya na naidulot ng tulong na inalok nila sa kanya lalo’t yun na lamang ang tanging paraan para makauwi siya sa kanyang pamilya.
Ayon kay Angelique, wala umano itong pakay na magpasikat sa paraang mailahad ang kwento ni Tatay sa Social Media. Tila nakakapag bigay lakas ng loob umano ang sinapit ni Tatay na sa loob ng 12 – taong nakabilanggo ay kinaya ang lahat.
Photo from Agik (Facebook Page) |
Basahin ang buong post sa ibaba:
"Who are we to judge?"
"Earlier today as I'm on the way to school, the bus stopped infront of Davao Penal Colony (Dapecol) and sumakay si tatay (man on the photo). As he sits down, he directly asked the conductor if how much daw ang pamasahe tapos tinanong siya ng conductor kung saan daw siya bababa then sabi niya na sa Davao daw and his only money is 50 pesos nalang talaga. Mabuti nalang talaga ay mukhang naawa si ate beside me and she added 50 pesos para sa bus fare ni tatay. And he started to tell his story sa bus. Si tatay daw is bagong laya from Dapecol, he was in jail for 12 years pero hindi siya nakulong because siya ang naka commit sa kasalanan. Inangkin lang daw niya ang kasalanan para matapos na ang kaso. His family never knew na nakulong siya because he was working fine sa Cebu and sustaining his family's needs who is in Bacolod.
"Year 2004 daw napasok siya sa Dapecol and for 12 years doon daw siya nagstay and hindi alam ng parents niya, siblings kahit asawa and mga anak niya (his eldest daw na anak is in grade 3 pa daw that time) that's why for 12 years walang dumalaw sa kanya kahit isa, even on birthdays and christmas. And now nakalaya na siya he is so excited to go home sa bacolod. Umiyak siya sa bus kasi sobrang thankful siya kay God na binigyan siya ng another chance to live with freedom. Ang dala lang niya pauwi sa bacolod is yung bag niya na ang laman ay mga damit and yung papel na hawak niya which is daw ang Certification of discharge. Yun lang daw talaga. Tapos wala na rin daw siyang pera kahit piso so natuwa ako na makita ang ibang mga pasahero na inabutan si tatay ng pera that proves na marami pa pala satin ang may golden heart. I also open my wallet to get something para kay tatay kahit konti lang I know malaki na yung help para sa kanya. Nakita ko talaga sa mga mata niya na masaya talaga siya and hindi na siya makapaghintay na makauwi para makita ang pamilya niya.

"I hope na makauwi siya sa kanila and safe ang kanyang byahe 🙏🏻💖
"I'm not posting this to earn fame but na amaze lang ako kay tatay na nakaya niya lahat for 12 years and narealize ko rin na hindi tayo dapat mag judge sa ibang tao kasi wala tayong alam sa totoo nilang kwento. Thank you!
"(C) Angelique Pasion
****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.
Source: Agik (Facebook Page)