Php. 500,000 ng isang negosyante ninakaw ng sarili niyang Security Guard! - The Daily Sentry


Php. 500,000 ng isang negosyante ninakaw ng sarili niyang Security Guard!



Photo screenshot from TV Patrol FB page video
Isang negosyanteng si Edilberto Escauso ang nawalan ng Php. 500,000 matapos itangay ng kanyang Security Guard noong siya’y utusan na iakyat ang bag na naglalaman ng halagang binaggit.

Inabot ng negosyante sa gwardyang nagngangalang na Julius Guevarra ang kanyang bag na naglalaman ng kalahating-milyong piso, pagtapos ay inuutos niya na iakyat ang bag sa kanilang kwarto.

“Sabi ko po, ‘Guard paki akyat sa taas’. Pangatlo kong radyo at sumagot naman siya, sabi ng Guard, ‘sir nasa kotse po.’ So nakipanatog na po ako at pagtingin ko nagulat ako at wala na yung pera ko,” sinalaysay ni Escauso.

Ayon sa kuha ng CCTV, matapos utusan si Guevarra at umalis ang negosyante ay makikitang hindi mapakali ang gwardya. Kanyang binalikan ang bag na kanyang inakyat at makikita maya’y-maya na siya’y bumaba na puno ang bulsa ng nakabundle na tig-1000 piso.

Idinahilan naman ng ahensyang pinanggalingan ni Guevara na hindi na raw siya bumalik sa kanilang boarding house.

 “Hindi po siya nagpaalam samin. Abandoning post ang ginawa niya. Sana makonsensya siya, pinakisamahan namin siya, tinuring na parang kapatid namin. Siyempre ang image na mahirap nang magtiwala yung iba sa security guard,” sabi ng isang taga-ahensya.

Ipinaalala naman ni S/INSP. Ronald Leceta, commander ng UBA PCP, na
“Ang pera talaga, temptasyon yan eh, so as much as possible, itago natin yan.”

Ngunit nagbabala rin siya na dapat,

“Maging aware sila, lalong-lalo na sa itsura ng suspek na ‘yon”

Sinusubay-bayan ng mga pulis ang mga ruta biyaheng probinsya ngunit tanggap na ng negosyante na hindi na maibabalik ang Php. 500,000 na natangay. Hiling lang ng biktima at ng kanyang ahensya na maihuli si Guevarra para hindi na makapangbiktima ang gwardya sa ng iba pang establisyomento o man loko ng iba pang ahensya.
Pinagbasehan: TV Patrol FB page