Pulis, nadakip ang isang hold-upper habang off-duty at kasama ang pamilya - The Daily Sentry


Pulis, nadakip ang isang hold-upper habang off-duty at kasama ang pamilya



Photo credit: Pinoy Thinking
Isang off-duty na pulis ang nakakuha ng ilang mga paghanga mula sa mga netizens dahil sa pagkakadakip nito sa isang pinaghihinalaang hold upper kahit na siya ay hindi pa naka-duty sa kanyang trabaho.

Ayon sa post ng isang netizen, si PO2 Mel Bautista ay off-duty at dadalhin ang kanyang asawa at anak sa bahay ng kanyang pinsan noong Martes ng gabi nang may nakasalubong silang hold upper sa isang jeepney at mabilis na tumakbo papunta sa masikip na kalye.

Bilang isang police officer, hinabol niya ang suspek gamit ang kanyang motorsiklo. Nakaangkas pa rin ang kanyang pamilya sa likod ng kanyang motorsiklo nang hinahabol niya ang suspect.

Nang tanungin kung ano ang nangyari, inamin niya na siya ay kinabahan ngunit alam niya na ito ang tamang bagay na gagawin.

“Kinakabahan po, pero yun nga, tawag ng tungkulin.”

Narito ang kabuuang pahayag na nai-post ng isang netizen sa Facebook: 

“Kudos sa isang magiting na pulis ng Gulod Pcp MPD PS-4 na si PO2 Mel Bautista Masidlak Lima Atsituabna kahit na off duty at kasama ang kanyang pamilya ay hindi nagdalawang isip na habulin at nagawang hulihin ang holdaper!!!

Habang binabagtas niya ang kahabaan ng Moriones, Tondo, Maynila sakay ng kanyang motorsiklo angkas ang kanyang mag-ina ay napansin niya na hinoldap ng isang lalaki ang pasahero ng jeep. Pagbaba ng holdaper ay hinabol niya ito kahit na napakadelikado nito para sa kanyang mag-ina na angkas niya parin sa motorsiklo. 

Makikita sa cctv na matapos makapang-holdap ay pumasok ang suspek sa isang eskinita at nagtanggal ng damit. Napatakbo siya at nagkandarapa ng makita niya si PO2 Bautista na bumaba sa kanyang motorsiklo. Naiwan ni PO2 Bautista ang kanyang mag-ina sa paghabol sa suspek na pumasok sa mga eskinita at pagkatapos ng mahabang habulan ay kanya din itong nahuli.

Napag-alaman na ang suspek ay isang notoryos na holdaper sa lugar.

MABUHAY KA!!! SALUDO KAMI SAYO.

#proudpcpcommanderhere”



Narito naman ang video report ng ABS-CBN:

Source: Jun Sab