Nakakatakot na karanasan ng isang nanay, babala sa lahat ng mga cellphone users - The Daily Sentry


Nakakatakot na karanasan ng isang nanay, babala sa lahat ng mga cellphone users



Photo credit: Rosalyn Evangelio Garcia

Ang cellphone o mga smart phones ay isa sa pangunahing gadgets na ginagamit ng maraming tao. Sa katunayan nga ito narin ang sentro ng buhay ng marami dahil halos bawat galaw ng mga tao ay nakadepende sa cellphone. Katulad nalang ng pakiki-pagkomunikasyon, pagbayad ng mga bills, pagsearch ng mga projects sa school, trabaho at marami pang iba.

Sa ngayon, mayroon nang humigit-kumulang na 1.35 bilyong cellphone. Sa ilang bansa, mahigit sa kalahati ng populasyon ang mayroon nito. Ang karamihan ay kasya sa palad mo, at ipinamimigay pa nga nang walang bayad kung minsan ang mga ito.

Napakahalaga nga ng cellphone ngayon sa ating buhay, ngunit sa karanasan ng isang netizen, bigla itong natakot at nabahala.

Isang netizen, na nagngangalang Rosalyn Evangelio Garcia, ang nagbahagi sa Facebook ng kanyang karanasan at nagbigay babala sa ibang mga cellphone users na mag-ingat sa paggamit ng mga cellphone.

Ayon sa karanasan ni Rosalyn, “Ang cellphone ko...Ang lakas nagulat ako ganito na ang hitsura nya...Nkacharge KC ito Ng 8:30pm kagabi sbi Ng anak ko..Umalis kmi sa bahay Ng 10pm pra mglamay...Hindi natanggal Ng anak ko Ang CP SA pagcharge..” kuwento ni Rosalyn.




Talaga ngang nakakatakot ang naranasan ni Rosalyn, hamakin mong sa sobrang lakas ng pagsabog ng kanyang cp, pati kinalalagyan nito ay nasunog din.

Basahin ang buong kwento ng karansan ni Rosalyn Evangelio Garcia na nagbibigay babala sa lahat ng mga cp users:

BABALA SA MGA GUMAGAMIT NG CELLPHONE!

Kanina lng po bandang 2:30am March 9,2018 ay pumutok Ang cellphone ko...Ang lakas nagulat ako ganito na ang hitsura nya...Nkacharge KC ito Ng 8:30pm kagabi sbi Ng anak ko..Umalis kmi sa bahay Ng 10pm pra mglamay...

Hindi natanggal Ng anak ko Ang CP SA pagcharge..NaiwanSA bahay Ang asawa ko at c Harry na natutulog nglamay kmi Ni Hk at Hero ung mga anak ko...2:20am nakauwi n kmi dto sa bahay...tinanggal ko itong CP sa charge dahil chinarge ko nmn ung CP kong malaki...Tapos nilapag ko lng sya...Dahil pumunta akong kusina para initin ung kanin...

Maya Maya Ng konti my pumutok Ng malakas at umuusok na San pwesto Kung nsan Ang CP kong maliit...Pumutok na pala sya..Buti nlng at Hindi sya nakacharge...pero Ang lakas ng pagputok...Kaya babala ito sa mga gumagamit Ng CP na katabi nyo SA pagtulog or malapit SA inyo dahil maaari pala tayong masunog...Gaya Ng nangyari sa CP ko at sa paligid Ng CP ko...Kaya ingat PO taung lahat Lalo na sa mga gumagamit Ng CP na nakacharge maaaring pumutok Ang CP nyo Ng ganito...




Hanggat maari bantayan po ntin ang oras Ng pagcharge Ng CP para maiwasan Ang ganitong pangyayari...Kaya ingat PO.

Paki SHARE nlng po sa mga Family and Friends nyo.

Take note:Hindi po FAKE ung phone ko...Na over charge sya kaya cguro pumutok kc Ang anak ko Ang ngcharge..nakalimutan nya tanggalin bago kmi umalis...Pinost ko ito Pra mabigyan Ng Babala ang mga gumagamit Ng phone na maaring mangyari din sa inyo ito.

HINDI PO DITO ISYU KUNG ORIG OR FAKE ANG CP OR KUNG ANO MAN PO ANG BRAND...ANG IMPORTANTE PO AY AWARE TAYO SA POSIBLENG MANGYARI SA ATIN OR SA PAMILYA NATIN NA MAARI TAYONG MASUNUGAN O MAY MABAWIAN NG BUHAY...HIHINTAYIN PA BA NATIN MANGYARI UN...PASALAMAT AKO SA PANGINOON DAHIL INIWAS NYA AKO SA KAPAHAMAKAN AT ANG PAMILYA KO...HININTAY MUNA AKO DUMATING BAGO KO MATANGGAL ANG CHARGE AT DAPAT HAWAK KO ANG CP KO PERO BINITAWAN KO MUNA DAHIL ININIT KO UNG KANIN NMIN..PARA BANG INIWAS AKO NG ATING PANGINOON SA KAPAHAMAKAN.

..Maraming beses ko nrin chinacharge Ang CP ko ng 10 to 12hrs...Pero Hindi nmn PO sya umiinit..ngaun lng ito ngyari SA CP ko...Kaya ingat nlng po taung lahat.

#GodIsGoodAllTheTime