‘Batang pinapalo nagiging mas matagumpay sa buhay ayon sa pag-aaral’ - DZRH News - The Daily Sentry


‘Batang pinapalo nagiging mas matagumpay sa buhay ayon sa pag-aaral’ - DZRH News



Photo screenshot from DZRH News Television FB page
Bagamat suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panukalang batas na naglalayong isakrimen ang mga pagpaparusa sa mga bata, hindi naman lahat ng magulang ay pabor dito.

Alam nating lahat na mabuti para sa bata ang pangangaral, ngunit paano kung sadyang matigas ang ulo ng mga bata?

Ipinanganak ang tao na may mabuting puso, subalit iilan lamang o bilang lang sa mga daliri ng ating mga kamay ang mga taong likas na mabait. At alam din natin na minsan, hindi sapat ang sabihan ang bata sapagkat binabalewala lamang nila ang lahat ng iyong sinasabi. Siyempre, mainam na gamitin din ang pamamalo.

Ang pamamalo sa bata ay hindi masama, ilang ulit na rin natin itong naririnig sa ating mga magulang. Lalung-lalo na sa mga magulang na makaluma at nagmana sa mga ninunong may ugaling kastila.

Ang pagpalo ay pagpapakita lamang ng pagmamahal ng magulang sa kanyang anak dahil walang magulang na nagnanais na mapariwara ang kanyang anak. Sa madaling salita, hindi sa lahat ng pagkakataon ang pamamalo ay masama.

Ayon sa isang video post na ibinahagi ng DZRH News Television FB page, ang batang pinapalo ay mas nagiging matagumpay sa buhay.
Ito ay napaka-imposibleng paniwalaan pero, ito ay pinag-aralang mabuti ng mga eksperto.

Panoorin ang video na ibinahagi ng DZRH News Television FB page at kayo na ang humusga kung sang-ayon kayo rito:
Source: DZRH News Television