Photo credit: ABS-CBN News |
Kinilala ang biktima na si PO2 Evie Espina na sakop ng Minglanilla Police Station.
Dead on arrival na sa pagamutan si PO2 Evie Espina dahil sa tama ng bala sa ulo.
Ayon kay PO2 Dacua, isinagawa nila ang operasyon sa mismong bahay ng target at nang naramdaman nitong pulis ang kanyang naka-transaksyon ay dali itong tumakbo.
Nakipagbarilan umano ang target sa mga pulis hanggang sa makorner kaya ito napatay ng operating team, kung saan natamaan ito sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo na naging rason ng kanyang agarang pagkamatay.
Nakatakas naman ang live-in partner nito na si Evangline Briones kasama ang kanilang anak.
Ngunit ang nasabing operasyon ay naging dahilan din sa pagkamatay ni PO2 Espina kung saan malubha itong natamaan matapos nabaril ng subject.
Humingi naman ng tawad sa pamilya ni Espina ang hepe ng Minglanilla police na si Police Chief Inspector Vernino Noserale sa pangyayari.
Aniya, pananagutan nito ang nangyari bilang kanilang team leader.
Samantala, hindi makapaniwala ang dating hepe ng Minglanilla-Philippine National Police na si Police Supt. Dexter Calacar kung saan inilarawan nitong mabait at may dedikasyon sa trabaho si Espina.
Iginiit ni P/Supt. Calacar na malakas talaga ang loob ni PO2 Espina sa kampanya laban sa iligal na droga kung saan panahon ng kanilang operasyon ay madalas itong nangunguna.
Walong taon ding nagserbisyo sa Minganilla Police si Espina at nag-aantay na lang ng order para sa kanyang promosyon bilang PO3.
Nabatid na may apat na anak si PO2 Espina at isa rito ay 10 buwang gulang pa lamang.
Nakuha sa bahay ni Franza ang 38 gramo ng hinihinalang shabu, pera, 2 baril at isang granada.
Photo credit: ABS-CBN News |
Source: news.abs-cbn.com