Nagsimba na nga, nalapnos pa! Mga deboto sa Caloocan, napaso ang noo matapos mapahiran ng abo nitong Ash Wednesday - The Daily Sentry


Nagsimba na nga, nalapnos pa! Mga deboto sa Caloocan, napaso ang noo matapos mapahiran ng abo nitong Ash Wednesday



Image capture of video by GMA News via YouTube
Maraming mga deboto sa Caloocan ang dumanas ng mga sugat o rashes nang ang kanilang noo ay mapahiran ng abo sa San Roque Cathedral sa Caloocan City para sa Ash Wednesday.

Sa isang artikulo sa GMA News, sinabi ng deboto na si Mae Aldovino na pagkatapos niyang matanggap ang pagpahid ng abo sa noo, siya at ang kanyang mga kasama ay nakaramdam ng init sa noo. Naisip nila na "maybe it's time to confess". Ngunit pagkatapos ng isang oras, ang init ay naroon pa rin.

Ang isa pang deboto, si Dave Peciller, ay nagsabi: “Nilalagnat ako. Sumama ‘yung pakiramdam ko. Nagsimba nga tayo dahil Ash Wednesday. Sana may aksyon ‘yung simbahan sa nangyaring ito.”

Aminado ang pamunuan ng San Roque cathedral sa nangyari matapos pumunta ang ilan pang deboto na nagreklamo ng pangangati o pagkasugat din sa kanilang noo matapos lagyan ng abo.

Naapektuhan din ang mga bata dahil nag-school-to-school ang simbahan.

“We really apologize to all who have been affected on what should have been a holy and solemn occasion,” sinabi ni Fr. Jeronimo Cruz, Rector, San Roque Cathedral Parish.

Ang simbahan ay nagpadala na ng mga abo sa isang laboratoryo habang ang pagsisiyasat ay patuloy pa rin tungkol sa insidente.

Ang simbahan ay nagbigay din ng pangunang lunas sa mga dumalo sa kanila at nag-alok na bayaran ang anumang gastusin upang magamot ang mga apektadong balat.

Panoorin ang kabuuang report ng GMA News TV tungkol sa insidenteng ito:

Source: gmanetwork.com Youtube