MindaVote Expose: Mga natiwangwang at sirang Yolanda Relief Goods nag-viral sa social media - The Daily Sentry


MindaVote Expose: Mga natiwangwang at sirang Yolanda Relief Goods nag-viral sa social media



Photo credit: MindaVote FB page
Isa sa pinakapopular na social media page ng bansa, ang MindaVote ay naglabas ng kontrobersyal na paglalantad na nagpapakita ng mga larawan na nasirang Yolanda Relief Goods na hindi kailanman ipinamahagi sa mga nakalaan na benepisyaryo at biktima ng super typhoon sa Tacloban City.

Ayon sa pagbubunyag ng MindaVote, ang mga relief goods kabilang ang mga tents mula sa Australian Aid at China Aid na inilaan upang maipamahagi sa mga biktima ng Yolanda ay hindi kailanman natupad. Sa halip na ipamahagi ito sa mga biktima ng Yolanda, ang mga relief tents ay naitago sa loob ng warehouse.

Sinabi ng MindaVote na, "Eto ang daang matuwid. May mga tents na binigay ang Australian Aid at China Aid para sa mga biktima ng bagyong Yolanda noong 2013. Pero imbes na ipamigay sa mga biktima ng bagyo, itinago ito sa bodega. Andami sanang nakinabang nito."

Ang mga larawan ay nagmula sa Ormoc City Government, ayon sa footnote na inilathala ng MindaVote FB Page.

Narito ang mga viral na larawan ng mga hindi naibahaging mga tents sa mga Yolanda victim:
Photo credit: MindaVote FB page
Photo credit: MindaVote FB page
Photo credit: MindaVote FB page
Photo credit: MindaVote FB page
Photo credit: MindaVote FB page
Photo credit: MindaVote FB page

Source: philnews.xyz